Saturday, November 6, 2010

Hinugot Sa Dilim


                    " Hindi kita sa anumang paraan iiwan ni sa anumang paraan ay pababayaan."
                          Ang katagang ito ang nagbigay ng pag-asa sa isang tao na nalugmok sa kadiliman.
                          Sa umpisa naging Business Woman siya.Ngunit may kaya nga siya,hindi man lang niya nararamdaman ang presensya ng kanyang asawa.Laging may nakabuntot sa kanya na masamang espiritu na patuloy sa pagbulong
                   
                       Minsan nakita niya ang asawa sa isang bar.Nagwala siya doon at binantaan ang guardia na nagbabantay.
                                        Puno ng galit sa asawa ang kanyang naramdaman nang ito'y mag-iba ng pagkakakitaan.Pinasukan ng asawa niya ang pagiging pastor,na alam niya na hindi makasasapat sa kanilang pang araw araw na pangangailangan.
                     
                         Doon  nagsimula ang kanilang kalbaryo,araw at gabi kung sila'y mag-away.Hindi siya tumitigil sa gusto niyang trabaho sa asawa niya. Parang kontrolado na siya ni santanas.
                        Hanggang sa,isang grupo ang nagpaunlak sa kanya na pakinggan ang salita ng Diyos.Naglakas loob siya na salihan ito.Ang mga tao sa paligid ang naging daluyan ng pagpapala na agad naman niyang nakamtan.si Jesus ang bukod tanging nagtaboy sa masamang espiritu na kumokontrol sa kanya.
                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                 Si Jesus ang bukod tanging nagtaboy sa masamang espiritu na kumokontrol sa kanya.                                                                                                                                                                                                                                                                                       
                                                                                                                      

                                Sa ngayon isa na siyang misyonaryo na naghahatid ng salita ng Diyos.Masayang masaya siya sa kanyang propesyon sa buhay.Siya si sister Neth Halili,ang babaeng nalugmok sa kadiliman na unti -unting nagtungo sa liwanag.

Tanawing Marikit

                       Mula Batanes hanggang Jolo,may mga magagandang tanawin tayong nakakasalamuha.Ito ay  isang biyayang ipinagkaloob ng Diyos.Sa amin ay meron ding lugar kung saan ang bawat tao ay nakaranas ng kaligayahan.
                       Ito ay nakalagak sa Tagaytay City,na may malamig na klima na talagang magyeyelo ang iyong buong katawan.Ang pinaka kinagigiliwan dito ay parke na makikita ang Bulkang Taal.
                                                                                                                         
                          Ang Bulkang Taal ay naliligiran ng lawa at maliliit na pulo.Sa maliliit na pulo nakatira ang tiga Talisay, Batangas.Mapagmamasdan sa bunganga ng bulkan ang kulay putik na likido.                                                                                                                                                                                                       
                                                                                
                         Iba't-ibang uri ng raket ang lumalapit sa iyo.Gaya ng nagtitinda ng chicharon,espasol at iba pang pagkain na pampasalubong.Nagbebenta rin dito ng laruan ng mga bata palibhasa ito ang pinupuntahan tuwing field trip.                                                                             
Merong bagong atraksyon dito ang Zipline at Horseback Riding.Sa Zipline ay itinatali ang mga tao sabay itutulak sa lubid.Ang pakiramdam nila ay sila si darna o superman na lumilipad sa ere.Ang Horseback Riding naman ay pagsakay sa kabayo.Ito ang gustong-gusto ng mga bata.


                    Dagsa ang turista rito umulan man o umaraw.Kaya ang mga nagtitinda ng souvenir ay minamahalan pa ito.Pati nga halaman ay ginagamit din na pang souvenir tulad ng rambutan,rosal at pine tree.
                  
                      Isa lamang ito sa dinarayo nating mga Pilipino o Dayuhan man.Na mawawala ang lungkot at ito'y mapapalitan ng saya . Kaya sa Picnic Grove ng Tagaytay,City, sana mas lalong pa itong tanyag hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo.

Thursday, November 4, 2010

Sa Kanyang Mga Kamay

                    

      Sa tiyaga lahat ay makukuhaGanito ko mailalarawan ang taong nagtagumpay dahil sa kanyang katangian.Ito rin ang nagging susi sa isang pinto na magdadala sa posisyong kanyang hinahangad.
                             Isang simpleng tao na naninirahan sa baryo ng Amadeo,Cavite.Guro siya sa Paaralang Elementarya ng Dasmarinas.Ang kanyang mukha na simputi ng singkamas lalo na ang balat niyang makinis,mga labi na kay pula at buhok na maikli na pagkaitim-itim.
                            Kahit lagi siyang nagagalit sa amin hindi niya inaalis ang matamis na ngiti.Ang kayang kabaitan din ang gustong gusto naming mag-aaral.Dahil kapag wala kaming baon na pagkain ay binibigyan niya kami.Ito rin ang ipamalas niya sa kanyang kapwa guro kung itoy nangangailangan.
                           Madalas siyang nagboboluntaryo sa mga proyektong pampaaralan,sumusunod siya sa mga  utos at tumutulong sa mga guro at mag-aaral.
                          Naging daan ito upang maging isa siyang dalub guro ng DES.Kaya sumali siya sa Most
Outstanding Teacher ng Metrobank Foundation.Nanalo siya at nag uwi ng karangalan sa aming paaralan.
Dahil   dito nahirang siyang coordinator ng English.
                           Hanggang ngayon patuloy niya pa ring ginagampanan  ang kanyang tungkulin.Kaya hindi
kataka-taka sa darating na panahon siya na ang hahawak sa isa sa pinaka mataas na posisyon sa DepEd.
Gng.Gemma G.Cortez,ikaw ang modelo naming mga kabataan.

Friday, October 15, 2010

Lagablab ng Bilugang Tirahan


                                                 
                                                                                                       
                                                                                                                                                                     
Sa kasalukuyan maraming magsasaka ang nawawalan ng hanapbuhay dahil natuyo na ang lupang kanilang pagtataniman.Natigil ang rasyon ng tubig para sa irigasyon na nanggagaling sa mga dam.Putul-putol din ang rasyon ng tubig para sa mga mamamayan.Ang mga yamang tubig ay naapektuhan sa mainit na panahon Ang maliliit na ilog at sapa ay natuyo na. Kaya ang mga isdang naninirahan ay nangamatay gayun din ang halaman sa kabukiran at kaparangan.Higit ang epekto   nito sa tao.Pagkakasakit ay di mapigilan.Nariyan ang sakit na heatstroke sanhi ng sobrang pagkabilad sa araw,dehydration dahil sa kakulangan sa tubig at init ng katawan na nagbubunga ng rashes o bungang araw.Ang payo ng doctor ay uminom ng mahigit sa walong  basong tubig araw-araw at kumain ng prutas at gulay upang maiwasan ang mga sakit na ito.Hindi natin maiiwasan ang ganitong mga suliranin tuwing tag-init.
                                        
                                  Dahil ito sa mga basura,usok ng sasakyan at pabrika, pagputol ng mga puno sa mga kagubatan at paggamit ng mga chemical na may taglay na CFC(chloro floro carbons) Tayo ang may kasalanan kung bakit natin ito nararanasan.Masyado nating sinira ang kalikasan.Nyayon saan na tayo tutungo?Kung magpapatuloy ang ginagawang nating pang-aabuso sa mundong unti- unting nagiging impyerno.

Thursday, October 14, 2010

Lagablab ng Bilugang Tirahan


            "Sobrang init" Reklamo ng mamamayan. Ito ngayon ang ating nararanasan. May bitak-bitak na tinatapakan,tuyong mga katubigan at naninilaw na puno at halaman Sa mga tao naging epekto ito ng pagkahilo at kadalasan ay pagkamatay.http;/minette-nette.blogspot,com